Batang 90's ka ba?- oo. hahahahahaha. love this! <3
1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
- Why of course, but actually di ko alam pano. Eh tinuruan ako ng anak ng labandera namin. May McDo Pogs ako. Makapal. Oha. :]]
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
-Oo nga. Mahirap yun intindihin. Pero binabasa ko parin.
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- Yes yes. Di ako magaling but I had that =))
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- Binibili ko yun pag nagpapampanga kami. May nagbigay din sakin as "PEACE OFFERING".
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- Oo, tinesting ko pa. As in direct hit then.. DARN. Sakit pala nun.
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
- Sa Pampanga, dati.
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
- Hindi. Praning ako eh.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
- Oo, in kaya yun.
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
- Wala eh. :]]
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
- Hindi, cool ako eh.:]]
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
- Di rin.=p
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
- Of course, from my yaya. Purple pa!
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
- Sakin mansion pencil case! 2 floors pa!
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
- Hindi eh, pero alam ko yun!
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
- Oo nakita ko nung naggrocery kami ni fadur.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
- Of course :D
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
- Sina ate. Kasi nursery ako nun.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
- Oo, lahat yan pinatulan ko ;)
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
- Oo kahit after class nga eh.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
- Oo! =)) Yung factory di ko alam yun.
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
-Sakin may piano pa, miniature! :))
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
- OB--? Standard notebooks eh. Bowrring.
23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
-OO, pero di ko iniinom kasi feeling ko madumi.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
-Oo, dolphin pa yung light up!
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
- Di ah. Grade 1 ako nagkaphone =]]
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
- Oo, yung bigay. Kasi ninakaw yung sakin.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. - Sega lang.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. - Oo, except family computer!
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". -Oo naman:))
30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
- Alam ko dahil sa siblings ko. HAHAHAH
31. Sumasayaw ka ng Macarena. - Oo naman. Papasok ako sa kwarto ng mga katulong tapos sasayaw ako ng Macarena!
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
- Ate ko. Sobra. Pero meron akong PS game nyan.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
- Hindi kasi sabi ng mga kapatid ko baduy yun eh!
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
-96.3 eh.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
-Oo, religious tapes pa ko eh. Then CD na.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
- Hindi eh! Jubilee ata
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
- Syempre naman! Hellllo!
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
- Oo, may tape pa ko nun. VHS. :))
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
-Nick ako at CN, at tagalog sa umaga!
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!" -Di eh!
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
- Cedi pa.
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
- My favorites!
43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.
-OO NAMAN!
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
- Di eh!
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena. -Tulog ata ako nun!
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...
- Sa TFC ko pa nakita!
47. Napanood mo ang Batang X.
-Ata! :))
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
-Mommy ko pa, pero rosalinda na yun!
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".
- Yung okay ka hindi eh!
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
-I agree!
51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.
-Esperanzaaaa/
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
-OH BABE!
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
- OO!!
54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". -OO, humingi pa yung anak ng labandera ng autograph kay Ate Se. :]]
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
-Tagal na ata nun.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. -OO! Labo nun!
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. -OO!! Pero HK favorite ko.
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. -Oo, ganda ng undin.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." -Di eh!
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. -Oo! Syempre.
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. - DI EH!